
Kilala ang Filipino actor na ito sa kanyang husay at dedikasyon sa pag-arte.
Dahil sa kanyang kontribusyon sa showbiz, isa siya sa mga hinahangaan ng publiko sa telebisyon man o pelikula.
Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, hindi pala talaga pag-aartista ang una niyang pinangarap sa buhay.
Sa isang panayam kay Aiko Melendez, ibinahagi ng aktor ang kanyang childhood dream na malayo sa spotlight.
"When I was younger I wanted to be an astronaut," aniya.
Ngunit pabirong dagdag niya, "Hindi ako magaling sa science."
Sa gitna ng tawa at aliw ni Aiko, ikinuwento pa ng aktor ang pagbabago ng direksyon ng kanyang mga pangarap.
"But when I was studying na, I was in the arts educating myself, I've always been a fan of movies. The dream originally was to be a (film) writer-director," pahayag niya.
"I was studying film po noong high school ako up until may napanood akong pelikula. Sabi ko parang na-miss kong umarte,a."
Dahil sa isang pagkakataong ibinigay ng isang direktor, tuluyan nang napabilang ang aktor sa mundo ng pag-arte.
Hindi rin maikakailang malalim ang pagmamahal niya sa industriya ng pelikula, na itinuturing niyang bahagi ng kanyang personal na interes o “me time.”
"I love watching movies. I mean just last night, I just watched a movie in the cinemas. Kapag may rest day po ako whether alone or friends, manonood talaga ako ng sine. That's the only thing I could think of doing," sabi niya.
Kasalukuyan, sunod-sunod ang mga proyekto ng aktor lalo na sa industriya ng pelikula. Kabilang pa siya sa bagong GMA horror anthology film na KMJS Gabi ng Lagim The Movie.
Nahulaan niyo na ba kung sino siya? Alamin dito sa video na ito: