
Isang aktor na nag-first at last day sa taping ang latest na chika sa Hula Who.
Ayon sa latest and hottest chika sa Hula Who, "May kilala akong isang maangas na aktor, ang chismis, day one pa lang niya sa set, naging last day na niya agad-agad."
Sa pagpapatuloy ng chika na mula sa "Salon De Chika" sa TiktoClock, "Maaga naman daw bumiyahe ito at pumunta sa set. Kaso along the way, may nangyari."
Ayon sa skit na inihanda ng "Salon De Chika," nakatulog sa gas station si aktor at di ma-contact ng production. Para masolusyonan ang pagkawala ni aktor, in-adjust na lang nila ang script. Pagdating naman ni aktor sa set, pinauwi rin siya agad dahil sa pagka-late nito.
"Na-nega si maangas na aktor kaya ibinigay sa iba ang role niya."
Para sa clue sa latest chika na ito, "Sa pangalan niya ay may letrang S. As in sayang, dahil sayang talaga, raket na naging bato pa."
Naghanda pa ng additional clue ang "Salon De Chika," "Isang malupitang clue, magaling siyang sumayaw."
Kilalanin si aktor dito:
Abangan ang iba pang mga chika sa "Salon De Chika" sa TiktoClock. Patuloy rin na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA.