Hula Who: Aktres, emosyonal nang maalala ang pagtanggap ng labada noon para may panggastos

Naiiyak na ikinuwento ng isang kilalang actress/host ang kanyang pinagdaanan noong siya ay isang working student pa.
Ani ng aktres, "Yung entire life ko sa college, scholar ako, working student. Tapos noong last semester ng pag-aaral ko, nakiusap ako sa mga magulang ko, 'pwede po bang hindi muna ko mag working student?'"
Kuwento ng aktres, gusto nya daw kasing maranasan 'yung mga ginagawa ng mga ordinaryong estudyante na na-enjoy ang kanilang college life.
"Parang gusto ko lang maranasan yung gigimick ka ganyan... Nainggit ako sa mga kaklase ko, gumigimik. Ako, kung may masilip ako na isang oras na bakante ako, pupunta ako para magtrabaho...Hala naiiyak ako!"
Sa puntong ito pinilit nyang ituloy ang kanyang kwento habang pinipigilang maging emosyonal.
"Haay bakit ako naiiyak? So, pinayagan ako at na-try ko na mag gimik-gimik, naranasan ko naman. Pero siguro hindi ako sanay, ang ginawa ko rumaket ako. Gusto kong manood ng sine, eh kulang ang allowance or baon ko. Gusto kong mag-last full show, eh hindi ko pwedeng galawin ang baon ko."
Kaya dumiskarte daw siya. Nilapitan nya ang kaklase at inalok na lalaban niya ang uniform nito sa halagang 50 pesos.
"So naranasan ko rin mag-last full show at makanood ng sine at may pambili pa ko ng pagkain."
Dagdag nya, bukod sa paglalaba, gumagawa din daw sya ng term papers para may pandagdag sa baon nya. Sino kaya itong aktres na hndi naging madali ang buhay noon? Panoorin dito ang kanyang kwento.
Samantala, narito naman ang ilang larawan ng simpleng buhay ng mga artista sa likod ng kamera.






























































