HULA WHO: Former sexy actress, parte na ngayon ng LGBTQIA+ community?

GMA Logo Hula Who LGBTQ sexy actress

Photo Inside Page


Photos

Hula Who LGBTQ sexy actress



Isa na namang umaatikabong chikahan at rebelasyon ang naganap sa GTV cooking talk show na Lutong Bahay kung saan nakapanayam ni Mikee Quintos ang sikat na aktres na umaming parte na raw siya ng LGBTQIA+ community ngayon.

“Bata pa lang kasi ako, mayroon akong na-fi-feel [at] napapansin sa sarili ko, pero hindi ko siya pinansin [o] in-entertain. Tuloy-tuloy lang. The way akong kumilos, the way akong pumorma, the way akong magsalita…” kuwento nito.

“Tapos ngayon, 39 [years old] na ako, sabi ko, mag-fo-forty na ako parang there's something missing. Hindi ko alam kung ano 'yun,” pag-amin ng aktres. “So parang hinahanap mo [kung] anong mali. Parang may kulang,” dagdag ng aktres.

Aminado rin ang nasabing aktres na mayroon nang nagpapatibok ng kaniyang puso ngayon, “Nasa LGBT world tayo ngayon.”

Hindi naman nito tinago na nahirapan ito noong una na tanggapin at maintindihan ang kaniyang identity at preference.

Kuwento nito, “Noong una. [Sabi ko], 'Ang tanda ko na, ha. Ano na lang sasabihin nila? Paano 'yung ganito? Totoo ba 'to? Ma-ko-confirm ko ba 'to sa sarili ko?' Tapos sabi ko, e, kiber kung ganito talaga ako. Kailangan kong tanggapin. Kailangan ko siyang i-accept.'”

Alamin kung sino ang tinutukoy na aktres dito:

RELATED CONTENT: Balikan ang proud LGBTQIA+ members sa gallery na ito:


Jesi Corcuera
Baby Girl 
Mew Suppasit and Tul Pakorn
Relationship
Maxie Andreison
Siblings
Pat Lasaten and Agnes Reoma
Love wins
Ralf Schumacher
Identity
Medwin Marfil
Wedding
Diwata
Pares Overload Queen

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties