GMA Logo i can see you
What's on TV

Hit miniseries na 'I Can See You,' muling mapapanood via GMA Afternoon Prime

By Jansen Ramos
Published December 11, 2023 1:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Police: 3 cops shot at Negros Oriental bar came with suspect
Cambodian, South Korean police arrest 26 for alleged scams, sex crimes, Blue House says
Farm to Table: (January 11, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

i can see you


Abangan ang muling pagpapalabas ng 'I Can See You' mula December 18, 2023 hanggang January 5, 2024, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Magbabalik ang hit GMA miniseries na I Can See You sa telebisyon. Mapapanood ito via GMA Afternoon Prime at tatakbo mula December 18, 2023 hanggang January 5, 2024.

Tampok sa muling pagpapalabas ng I Can See You ang tatlong kwentong nagpakilig, nagpakaba, at nagpa-iyak sa mga manonood mula sa ikalawang season ng miniseries.

Mula December 18-22, 2023, mapapanood ang #Future na pinagbidahan nina Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara. Orihinal itong pinalabas noong April 5, 2021 hanggang April 9, 2021. Tungkol ang #Future ang paghahanap ni Vinchie (Miguel) ng trending news para sa isang kompetisyon. Pero ang kanyang pagkasabik maging viral, may kapalit.

Sa sumunod na linggo, December 25-29, 2023, muling matutunghayan ang The Lookout nina Barbie Forteza at Paul Salas. Orihinal itong pinalabas noong April 19, 2021 hanggang April 23, 2021. Sa The Lookout, under investigation si Emma (Barbie) dahil sa kanyang umano'y involvement sa kaso ng Penuliar family.

Sa pagpasok ng Bagong Taon, handog ng I Can See You ang On My Way To You kung saan bida sina Ruru Madrid at Shaira Diaz. Orihinal itong pinalabas noong March 22, 2021 hanggang March 31, 2021. Tungkol ang On My Way To You sa wedding planner na si Raki (Shaira) na kinuwestiyon ang kanyang pagpapakasal sa kanyang man of her dreams kaya naman nag-runaway bride siya. Para makapag-isip, pumunta si Raki sa isang lugar na walang signal kung saan niya nakilala si Jerrick (Ruru).

Abangan ang I Can See You mula December 18, 2023 hanggang January 5, 2024, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ito sa Pinoy Hits at online via Kapuso Stream.