Behind-the-scenes of 'I Can See You Season 2: #Future'

Pagkatapos ng “On My Way to You” ay isa na namang kakaiba at kapanapanabik na kuwento ang muling ihahandog ng 'I Can See You Season 2.'
This time ay ang tambalan naman nina Kyline Alcantara at Miguel Tanfelix ang tampok sa episode na pinamagatang #Future.
Tungkol ang #Future sa kuwento ni Vinchie (Miguel) na laging tutok sa social media at mahilig mag-share ng mga videos at kung anu-ano para maging viral at trending.
Mag-iiba ang kanyang mundo at maging ng mga tao sa paligid niya matapos ang hindi inaasahang insidente. Isang misteryosong CCTV camera rin ang babago sa kanyang buhay.
Samantala, makikilala at makakagaanan ni Vinchie ng loob ang isang dalaga na nakilala niya matapos itong magtangkang magpakamatay.
Lingid sa kanilang kaalaman ay may pareho silang karanasan na magbabalik at magtatangkang sumira sa kanilang namumuong relasyon.
Ano kaya ito? At gaano kalaki ang papel nila sa malungkot na nakaraan ng isa't-isa?
Tampok rin sa #Future sina Ms. Aiko Melendez, Gabby Eigenmann, Mikoy Morales at Dani Porter.
Mula sa direksyon ni Dominic Zapata, mapapanood na ang “#Future” simula April 5, 8:50 p.m. pagkatapos ng 'First Yaya.'
Samantala, silipin ang ilang behind-the-scenes photos na kuha sa lock-in taping ng serye:







