IN PHOTOS: Meet the powerhouse cast of 'I Can See You: The Lookout'

Pagbibidahan nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, Kapuso hunk Paul Salas, at renowned actor Christopher de Leon ang ikatlong mini-series na handog ng 'I Can See You' Season 2, ang “The Lookout.”
Ang mini-series ay tungkol kay Emma, ang magician assistant na nagdesisyong kumapit sa patalim para makahanap ng perang ipangtutustos sa medical bills ng kanyang may sakit na kapatid.
Dahil wala nang ibang maisip na paraan na pagkukunan ng pera, pumayag si Emma na maging kasabwat at lookout sa plano ng kababata niyang si Dalo na pagnakawan ang pamilya Penuliar, ang mayamang pamilyang nakatira sa village malapit sa squatters area na kanilang tinitirhan.
Laking-gulat na lamang ng magpinsan nang pagpasok sa bahay ng mga Penuliar ay tumambad sa kanila ang wala nang buhay na kasambahay ng mga ito.
Paano nila haharapin ang sitwayson? Paano sila makalalabas sa bahay ng mga Penuliar nang ligtas?










