
Mas lalong titindi ang mga kaganapan sa huling gabi ng I Can See You: Truly. Madly. Deadly. dahil madidiskubre na ni Coleen ang tunay na pagkatao ng lalaking napapalapit na sa kanya, si Drew.
Malalaman niyang stalker niya si Drew at matagal na itong obsessed sa kanya. Dahil maagang natuklasan ng dating niyang kaibigan na si Abby ang totoo, tinangka nitong balaan si Coleen ngunit napigilan siya ni Drew.
Dahil dito, nalagay sa panganib ang buhay ni Abby at hindi titigil si Drew hangga't hindi niya tuluyang mapatahimik si Abby.
Mailigtas kaya ni Coleen si Abby?
Huwag palampasin ang kapana-panabik na mga tagpo sa I Can See You: Truly. Madly. Deadly ngayong gabi, October 23, sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Encantadia.