
Ngayon pa lang ay inaabangan na ng fans ang tambalan nina Kapuso stars Shaira Diaz at Ruru Madrid sa “On My Way to You,” ang unang handog sa ikalawang yugto ng drama mini-series na I Can See You.
Pero hindi lang fans ang sabik nang maipalabas ang seryeng ito dahil mismong ang bida nitong si Shaira ay excited na rin.
Bukod sa magandang istorya ng “On My Way to You,” pinuri rin ni Shaira ang execution, cinematography, shots, at lines nito, na tiyak daw na kabibiliban din ng viewers.
Source: shairadiaz_(Instagram)
“This is it! I'm so happy and proud to be part of this project! From cast to production and crew, ang ganda at gagaling!
“Napaka ganda ng storya, execution, cinematography, shots and lines! Binabasa ko pa lang 'yung script, sumasakit at kinikilig na 'yung puso ko,” post niya sa Instagram.
Hindi rin nakalimutan ni Shaira na bigyang-pugay ang creative team sa likod ng highly-anticipated mini-series.
“Ang galing ng creatives and writers ng 'On My Way To You' at syempre ang aming director. Kaya pala natin! Kaya sobrang excited ako na mapanood ninyo ang panibagong offering na 'to ng GMA Netwok. Nakaka-proud! Promise! Sa March 22 na po, 'I Can See You Season 2: On My Way to You',” aniya pa.
Gaganap si Shaira bilang si Rakki Racquel “Raki” Buena, ang runaway bride na naging viral online matapos kumalat ang video ng kanyang pag-urong sa araw ng kanyang kasal.
Marami ang bumatikos sa naging desisyon niya at upang lumayo sa lahat ng bashing na natatanggap ay nagpakalayo-layo muna siya at nagtungo sa liblib na lugar kung saan tahimik lamang ang buhay.
Doon ay makikilala niya si Jerrick (Ruru), ang groom na tinakasan naman sa kasal ng kanyang fiancée.
Sources: shairadiaz_ (Instagram), I Can See You
Bukod kina Shaira at Ruru, kasama rin sa cast ng serye sina Arra San Agustin at Gil Cuerva habang may special participation naman dito ang bagong Kapuso star na si Richard Yap at ang aktres na si Malou de Guzman.
Mula sa direksyon ni award-winning director Mark Reyes, mapanonood na ang “On My Way to You” simula March 22 sa GMA Network.
Silipin ang behind-the-scenes photos sa lock-in taping ng “On My Way to You” sa Antipolo sa gallery na ito: