What's on TV

Tom Rodriguez on his kissing scenes with Carla Abellana in 'I Heart Davao': "Pwede po ba padagdagan?"

By Gia Allana Soriano
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 24, 2017 10:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mare, Ano'ng Latest? (December 25, 2025)
Man nabbed for alleged illegal sale of firecrackers in Zamboanga City

Article Inside Page


Showbiz News



TomCar is back in primetime! mapapanood na ang 'I Heart Davao' sa Lunes, June 26.

Natanong ng press si Tom Rodriguez kung marami nga bang kissing scenes sa I Heart Davao, ito na rin ay dahil real-life couple sina Tom at Carla Abellana.

 

Ang kauna-unahang mini-series ng @gmapublicaffairs sa GMA Primetime ay mapapanood na simula sa Lunes! ???????????? #IHeartDavao #IHeartDavaoPilot #TomCar

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline) on


Pabirong sinabi ni Tom, "Puwede po ba padagdagan?"

Sumagot naman si Carla na hindi ganun karami ang kissing scenes nila sa umpisa dahil hindi pa close ang karakter niyang si Hope kay Ponce (Tom Rodriguez). 

Aniya, "Kasi noong una hindi okay si Hope at Ponce, eh. Kasi si Hope gusto bilhin 'yung cacao farm ng pamilya ni Ponce. Eh, nagmamatigas po si Ponce, ayaw niya ibenta kay Hope 'yung cacao farm nila. So, talagang mag-aaway kami dito. Pero eventually, marami namang nag-aaway sa totoong buhay na 'yung aso't pusa nagkakatuluyan. So, meron naman po, marami definitely pong nakakakilig na eksena."

Inamin naman ni Carla na hindi siya nagselos noong nag-Someone To Watch Over Me si Tom, kung saan ka-love team ng aktor si Lovi Poe. Aniya, "Never po, ako pong pinaka hindi selosa, so hindi po, wala pong ganun."

Natutuwa rin ang dalawa dahil kahit sa umpisa ay magkaiba ang kapareha nila, si Ponce ay may girlfriend (Cathy Remperas), at si Hope naman ay may male best friend (Benjamin Alves), hindi pa rin daw nagkakailangan ang dalawa at ang co-actors nila. 

Abangan ang pagbabalik ng TomCar love team sa GMA Telebabad ngayong June 26 na pagkatapos ng My Love From The Star