What's on TV

WATCH: Tom Rodriguez at Carla Abellana, handog ang 'I Heart Davao' sa fans at Davaoeños

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 26, 2017 12:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos admin maintained low inflation, strong economy in 2025 – Recto
Lifestyleverse: Quick tour inside Mandarin Bay in Boracay
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News



Huwag palampasin ang pilot episode ng romantic-comedy drama series ng TomCar, mamaya na sa GMA Telebabad. 

Mapapanood na natin mamaya ang reel at real Kapuso sweethearts na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Mahaba-haba rin ang hinintay ng kanilang mga taga-suporta ang kanilang pagbabalik primetime sa I Heart Davao.

 

Ang kauna-unahang mini-series ng @gmapublicaffairs sa GMA Primetime ay mapapanood na simula sa Lunes! ???????????? #IHeartDavao #IHeartDavaoPilot #TomCar

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline) on

 

Ayon sa magandang leading lady, handog nila ang romantic-comedy drama series sa kanilang fans, “Pinaka-excited kami para sa kanila kasi isa sila sa mga dahilan kung bakit nabuo itong I Heart Davao.

Bida ang sweetness ng TomCar sa kanilang pinakabagong serye na kinunan mismo sa Davao. Tampok rin ang travel destinations at adventures sa magandang lugar na ibinida ng cast sa kanilang mga panayam.

Kwento ni Tom sa Unang Hirit, “Ang dami nilang local businesses [at] iyon ang mas nakakatuwa para sa akin. Kung ano ang kailangan nila, sila na mismo ang nagpo-provide para sa sarili nila.”

Namangha rin si Kapuso comedian Betong Sumaya sa kultura ng mga Davaoeños, “Malinis! Iyon ang isa kong napansin sa Davao. Talagang makikita mo na disiplinado sila.”

Ang pakikipagsalamuha naman ng mga tao ang kinagigiliwan ni Kapuso leading man Benjamin Alves. Aniya, “I know, I'm confident will be able to capture ‘yung ganda ng Davao, but I hope that makita nila ang puso ng mga Davaoeños in the show. They are really warm and caring people.”

Subaybayan ang pilot episode ng bagong GMA Telebabad soap, mamaya na pagkatapos ng My Love From The Star.