
Romantic movies ang hatid ngayong linggo ng digital channel na I Heart Movies.
Huwag palampasin ang romantic comedy na James & Pat & Dave, starring Ronnie Alonte, Loisa Andalio at Donnie Pangilinan.
Sequel ito ng hit movie na Vince & Kath & James na pinagbidahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia at magpapatuloy ng kuwento ng karakter ni Ronnie na si James.
Matapos magparaya sa pag-ibig, may uusbong bang bagong pag-asa para sa kanya o thirdwheel na naman ba siya sa pagitan ng hostel manager at ng tine-train nitong apo ng boss niya?
Abangan ang James & Pat & Dave, June 17, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Balikan naman ang bittersweet memories ng first love sa romantic drama film na The Promise nina Angel Locsin at Richard Gutierrez.
Si Angel ay si Andrea, habang si Richard naman ay si Daniel, dalawang magkababata na susubukin ng panahon ang pag-ibig.
Mangangako sila sa isa't isa na magiging matatag ang kanilang pag-iibigan, anumang harapin nilang pagsubok. Magagawa pa ba nilang tuparin ang pangakong ito sa pagpasok ng usapin ng paghihiganti, kaibahan ng estado sa buhay, at pagtutol ng kanilang mga pamilya?
Ang The Promise ang huling tambalan nina Angel at Richard kaya panoorin ito sa Pinoy Movie Date, June 14, 10:20 p.m.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.