GMA Logo Brillante Mendoza movie Mindanao in I Heart Movies channel
What's on TV

'Mindanao' ni Brillante Mendoza, tampok sa I Heart Movies ngayong linggo

By Marah Ruiz
Published November 28, 2023 11:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Sara Duterte on alleged visit to Teves: I neither confirm nor deny
Power supply disrupted after man walks on power lines in Davao City
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Brillante Mendoza movie Mindanao in I Heart Movies channel


Kabilang ang 'Mindanao' mula sa direktor na si Brillante Mendoza sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Isa na namang internationally-acclaimed film ang mapapanood ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.

Tampok kasi rito ang war drama film na Mindanao na mula sa award-winning director na si Brillante Mendoza at pinagbidahan nina Judy Ann Santos at Allen Dizon.

Kuwento ito ng isang babaeng Muslim na nag-aalaga ng anak niyang may cancer habang hinihintay ang pagbabalik ng asawa niyang combat medic na lumalaban sa mga rebelde sa Mindanao.

Dahil sa kanyang pagganap sa pelikula, pinarangalan si Judy Ann Santos bilang Best Actress, habang nabingwit naman ng direktor na si Brillante Mendoza ang Henry Barakat Award for Best Artistic Contribution sa 41st Cairo International Film Festival noong 2019.

Humakot din ito ng mga parangal sa 45th Metro Manila Film Festival kabilang ang Best Picture, Best Director, Best Screenplay, at marami pang iba.

Tunghayan ang Mindanao, November 28, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Para naman sa mahilig sa romantic comedies, nandiyan ang My Best Friend's Girlfriend nina Marian Rivera at Richard Gutierrez.

Si Richard ay ang chick boy na si Evo, habang is Marian naman ay si Grace, ang girlfriend ng best friend niya.

Kokontratahin ni Evo si Grace na magkunwari bilang bago niyang karelasyon para magselos ang ex-girlfriend niya.

Kapalit ito ng hindi niya pagsisiwalat sa best friend niya ng nakakahiyang engkuwentro nila ni Grace sa isang stag party.

Ano ang patutunguhan ng kakaibang partnership na ito?

Huwag palampasin ang My Best Friend's Girlfriend, November 30, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.