GMA Logo Above the Clouds movie in I heart Movies digital channel
What's on TV

Coming of age film na 'Above the Clouds,' tampok sa I Heart Movies

By Marah Ruiz
Published March 8, 2024 6:38 PM PHT
Updated March 8, 2024 6:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 2, 2026
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Above the Clouds movie in I heart Movies digital channel


Isa ang 'Above the Clouds,' starring Ruru Madrid at Pepe Smith, sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Ihanda na ang mga panyo dahil matutunghayan ngayong linggo ang coming of age film na Above the Clouds sa digital channel na I Heart Movies.

Tampok sa pelikula si Kapuso actor Ruru Madrid kasama ang Pinoy rock icon na si Pepe Smith.

Si Ruru ay si Andy, isang lalaki na naulila noong bagyong Ondoy. Dahil wala nang mga magulang, titira siya sa poder ng kanyang lolo na ginagampanan naman ni Pepe.

Hindi close ang dalawa kaya susubukan nilang mag-bonding para makalimutan ang pait ng pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng pagha-hike sa bundok.

Abangan ang Above the Clouds, March 9, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Huwag ding palampasin ang Boses, isang drama film tungkol sa healing power ng musika.

Iikot ang kuwento nito sa mabubuong pagkakaibigan ng isang violin teacher at abused child na binibigyan niya ng music lessons sa isang shelter.

Tampok dito ang violin maestro na si Coke Bolipata at music prodigy na si Julian Duque. Kasama rin nila sa pelikula sina Cherry Pie Picache, Ricky Davao at Meryll Soriano.

Tunghayan ang Boses, March 8, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.