GMA Logo David Licauco and Shaira Diaz in Because I Love You
What's on TV

'Because I Love You' starring David Licauco and Shaira Diaz, tampok sa I Heart Movies

By Marah Ruiz
Published July 1, 2024 12:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zelenskyy says Russia using Belarus territory to circumvent Ukrainian defenses
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco and Shaira Diaz in Because I Love You


Kabilang ang 'Because I Love You' starring David Licauco and Shaira Diaz sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Maghahatid ng kilig ang Kapuso stars na sina Shaira Diaz at David Licauco ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies. Tampok ang romantic comedy movie nila na Because I Love You.

Gaganap si Shaira bilang si Summer, isang very independent at street-smart na babaeng nagtatrabaho bilang bumbero. Si David naman ay si Rael, tahimik at konserbatibong tagapagmana ng kanilang family business.

Magkaiba ang mga mundong ginagalawan kaya mag-aalangan si Summer na buksan ang kanyang puso kay Rael.

Bibigyan ba ng pagkakataon ni Summer si Rael?

Kasama nina Shaira at David sa pelikula si award-winning actor Martin del Rosario at si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.

Abangan ang Because I Love You, sa July 5, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Huwag namang palampasin ang comedy-drama film tungkol sa "body switching" na Two Funerals.

Sa indie film na ito, magkakapalit ang labi ng dalawang taong namatay dahil sa isang vehicular accident.

Gaganap dito si Xian Lim bilang Gerry, fiance ng isa sa mga namatay na si Charm. Hindi batid ni Gerry na nagkamali ang funeral parlor at ibang mga labi ang na-release sa kanya.

Magugulat ang nanay ni Charm na si Pilar, played by Tessie Tomas, na labi ng isang lalaki ang darating sa kanila sa Tuguegarao.

Mate-trace nina Pilar at Gerry na nasa Sorsogon ang tunay na labi ni Charm kaya agad silang pupunta dito. Mababawi ba nila ang labi ng mahal sa buhay?

Abangan ang Two Funerals, July 4, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.