Article Inside Page
Showbiz News
Kabilang ang 'Sonata' starring Cherie Gil, sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.
Bibida ang award-winning actresses sa mga pelikulang tampok sa digital channel na I Heart Movies.
Tampok si Cherie Gil sa Sonata, directed by Peque Gallaga and Lore Reyes.
Gaganap siya dito bilang Regina, isang opera singer na naka-base sa Europe na mawawalan ng boses.
Hindi maipaliwanag ng mga doctor ang sanhi ng kanyang kundisyon kaya mamarapatin ni Regina na umuwi muna siya sa kanyang hometown sa Negros.
Ano ang madadatnan ni Regina sa kanyang homecoming?
Abangan ang Sonata, September 3, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Panoorin naman ang veteran actress na si Nova Villa sa award-winning indie film na
1st Ko Si 3rd.
Gaganap siya dito bilang recent retiree na si Cory. Bored siya sa unang mga araw ng kanyang retirement, hanggang muli niyang makakasalubong ang kanyang first love.
Talaga nga bang first love never dies?
Tunghayan ang
1st Ko Si 3rd, September 4, 8:00 p.m. sa
Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang
I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na
GMA Affordabox at
GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.