GMA Logo You to Me are Everything in I Heart Movies digital channel
What's on TV

'You to Me are Everything' nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, mapapanood sa I Heart Movies

By Marah Ruiz
Published March 10, 2025 6:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ysabel Ortega, nagtampo nang mag-solo trip si Miguel Tanfelix sa South America?
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

You to Me are Everything in I Heart Movies digital channel


Kabilang ang 'You to Me are Everything' nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Love stories ang hatid ng digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.

Kabilang diyan ang pelikulang You to Me are Everything, starring Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Si Marian ay si Iska, isang simpleng dalagang nabubuhay sa probinsya. Nang mamatay ang kanyang tunay na ama, mamanahin niya ang malaking bahagi ng yaman at mga negosyo nito.

Si Dingdong naman ay si Raphael, isang binatang galing sa yaman pero maghihirap nang madawit sa isang political scandal ang kanyang ama.

Paglalapitin sila ng tadhana nang tumira si Iska sa mansiyong dating pagmamay-ari nina Raphael.

Dahil hindi sanay sa buhay sa na 'di niya inaasahang mamana, kukunin ni Iska si Raphael bilang kanyang business manager.

Ano ang matutunan nila isa't isa? May puwang ba ang pag-ibig sa pagitan ng dalawang taong sadyang magkasalungat?

Alamin 'yan sa You to Me are Everything, March 15, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Huwag din palampasin ang LGBTQIA+ film na 4 Days, starring Mikoy Morales at Sebastian Castro.

Iikot ang kuwento nito sa college roommates na magsisimula ng isang romantic relationship kahit pareho pa silang hindi out.

Paano kung isa sa kanila ang gusto nang magladlad habang tutol naman dito ang isa?

Abangan ang 4 Days, March 11 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available rin ito sa iba pang digital television receivers.