
Kakaibang Alden Richards ang mapapanood sa psychological horror crime drama film na The Road na tampok ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.
Directed by Yam Laranas, ito ay tungkol sa isang cold case na mabubuksan muli matapos ang mahigit isang dekada.
Gaganap dito si Alden bilang Luis, isang binatang nakatira sa isang liblib na lugar at may itinatagong malaking sikreto. Makikilala niya ang magkapatid na sina Lara (Rhian Ramos) at Joy (Louise delos Reyes) nang tumirik ang sasakyan ng mga ito malapit sa kanyang bahay.
Panoorin ang offbeat role ng Asia's Multimedia Star na si Alden sa The Road, sa March 22, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Huwag namang palampasin ang independent film na Balut Country na pinagbidahan ni Kapuso actor Rocco Nacino.
Gaganap siya rito bilang Jun, isang lalaking magmamana ng patuhan ng kaniyang ama.
Gustong ibenta ni Jun ang farm dahil malapit na itong malugi pero nagdadalawang isip din siya dahil ayaw niyang mawalan ng hanap-buhay ang mga trabahador ng kaniyang ama na matagal nang nagsisilbi rito.
Ano ang magiging desisyon ni Jun? Abangan 'yan sa Balut Country, March 19, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.