GMA Logo Island Dreams in I Heart Movies
What's on TV

Romance drama film na 'Island Dreams,' tampok sa I Heart Movies

By Marah Ruiz
Published April 14, 2025 10:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

ICI calls for probe on Cabral’s death
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Island Dreams in I Heart Movies


Kabilang ang romance drama film na 'Island Dreams' sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Pansamantalang magsa-sign off ang digital channel na I Heart Movies bilang paggunita sa Holy Week.

Pero bago 'yan, ilang magagandang pelikula muna ang hatid nito ngayong linggo.

Isang Pinoy tour guide at isang American tourist ang magkakakilala sa romantic drama film na Island Dreams.

Pagbibidahan ito ni Louise delos Reyes bilang Julie, isang babaeng nangangarap maging sikat na singer pero rumaraket muna bilang tour guide para tustusan ang pangangailangan ng nanay niyang bulag.

Makikilala niya si Zach, na ginagampanan ni Alexis Petitprez, turistang Amerikano na hinahanap ang liblib na lugar sa isla na kung tawagin ay True Love's Peak.

Ayon kasi sa mga alamat, mahahanap ng sinumang makarating dito ang kanyang true love.

Makarating kaya sina Julie at Zach sa True Love's Peak? Abangan 'yan sa Island Dreams, April 15, 8:00 pm sa Pinoy Movie Date.

Para sa mga mahilig sa adventure at fantasy films, nariyan ang Mulawin: The Movie.

Ito ang pagpapatuloy ng kuwento ng iconic GMA telefantasya na Mulawin na ipinalabas sa telebisyon.

Sa pelikula, naghahanda na para sa tahimik na buhay sina Aguiluz (Richard Gutierrez) at Alwina (Angel Locsin) nang abutan ng malakas na bagyo ang sinasakyan nilang bangka.

Magkakahiwalay sina Aguiluz at Alwina at mawawala pa ang kanilang mga alaala.

Samantala, bubuhayin ni Sang'gre Pirena (Sunshine Dizon) si Haring Ravenum kaya manganganib muli ang mga Mulawin.

Paano sila lalaban ngayong nawawala ang mga pinakamagigiting nilang mandirigma na sina Aguiluz at Alwina?

Official entry din ang Mulawin: The Movie sa 2005 Metro Manila Film Festival.

Abangan ang Mulawin: The Movie, April 16, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Off air ang I Heart Movies sa Maundy Thursday, April 17; Good Friday, April 18; at Black Saturday, April 19.

Magbabalik ang regular programming nito sa Easter Sunday, April 20.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.