
Isang makapigil-hiningang indie film ang tampok ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.
Mapapanood dito ang Tupang Ligaw na pinagbidahan ni Matteo Guidicelli.
Gumanap si Matteo rito bilang dating miyembro ng army na naghahanap sa kanyang nawawalang kapatid.
Anong panganib ang haharapin niya sa pagdating niya sa barrio kung saan huling namataan ang kanyang kapatid?
Abangan ang Tupang Ligaw, June 3, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Para sa mahilig sa romance films, nariyan ang I Found My Heart in Santa Fe starring Roxanne Barcelo at Will Devaughn.
Isa itong unexpected love story sa pagitan ng isang turistang gustong maging in touch sa kanyang Pinoy roots at isang heartbroken na workaholic.
Bida rin sa pelikula ang magandang isla ng Santa Fe, Cebu kaya tunghayan ang I Found My Heart in Santa Fe, June 4, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.