Article Inside Page
Showbiz News
Isa ang 'DOTGA: Da One That Ghost Away' sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.
Isang nakakaaliw na horror comedy ang tampok ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.
Mapapanood kasi dito ang DOTGA: Da One That Ghost Away na pinagbidahan ni Kim Chui.
Kuwento ito ng isang paranormal expert at kanyang mga kaibigan na aatasan para i-exorcise ang mga multo mula sa isang lumang bahay.
Kaya kaya nila ito kahit na bistado nang peke lang ang kanilang modus?
Abangan ang DOTGA: Da One That Ghost Away, June 14, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Para naman sa mahilig sa romantic movies, nariyan ang
I Love Lizzy.
Pinagbidahan ito nina Carlo Aquino at Barbie Imperial.
Gaganap dito si Carlo bilang Jeff, isang seminarista na magbabakasyon para matukoy kung nais ba niyang ipagpatuloy ang pagpapari.
Makikilala niya si Lizzy, isang tour guide, na magpapa-question sa kanyang pananampalataya.
Mas magiging matimbang ba ang pagmamahal ni Jeff kay Lizzy o ang kagustuhan niyang magsilbi sa Diyos?
Alamin 'yan sa
I Love Lizzy, June 11, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang
I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na
GMA Affordabox at
GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.