
Makapigil-hininga ang mga pelikulang hatid ng digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.
Isa na diyan nag horror film na Basement na written and directed by Topel Lee.
Iikot ang kuwento nito sa isang grupo ng mga tao na maiiwan at aksidenteng makukulong sa isang basement parking.
Sa pagsapit ng dilim, may mga mangyayaring hindi maipaliwanag at isa-isang namamatay ang kanilang mga kasamahan.
Ano ba ang kinakaharap nila? Alamin 'yan sa Basement, June 19, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Para naman sa mga fans ng action-thriller movies, nariyan ang Overtime starring Richard Gutierrez and Lauren Young.
Magigising ang karakter ni Lauren na si Jodi, isang executive assistant sa malaking pharmaceutical company, na may nakakabit nang bomba sa kanyang katawan.
Ikinabit ito sa kanya ng misteryosong lalaking si Dom, played by Richard.
Paano mauutakan ni Jodi si Dom para iligtas ang kanyang sarili?
Huwag palampasin ang Overtime, June 18, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.