
Sama-sama tayong kiligin sa romantic movies na hatid ng digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.
Isa na diyan ang For the First Time na pinagbidahan nina Richard Gutierrez at KC Concepcion.
Gaganap dito si Richard bilang playboy na si Seth, habang si KC naman ang conservative pero ambitious na si Pia.
Magkakakilala sila sa Santorini, Greece kung saan magkasama silang magkakaroon ng hindi malilimutang summer romance.
Pero bakit biglang iiwan sa ere ni Seth si Pia?
Abangan 'yan sa For the First Time, June 28, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Huwag din palampasin ang musical romantic drama film na LSS, starring real-life couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.
Si Gabbi ay si Sara habang si Khalil naman ay si Zak at magkakakilala sila dahil sa musika ng Pinoy indie-folk band na Ben&Ben.
Panoorin ang LSS, June 26, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.