
Horror movies ang hatid ng digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.
Isa na diyan ang Dalaw na pinagbidahan ni Kapuso actress Katrina Halili.
Gaganap siya dito bilang reporter na dadayo sa isang bayan kung saan pinaniniwalaang nagmumulto ang kaluluwa ng isang dalagita.
Matutulungan ba niyang manahimik ang kaluluwa bago pa ito makapanakit pa ng iba?
Panoorin ang Dalaw, September 11, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Huwag ding palampasin ang Amorosa, na pinagbidahan naman nina Angel Aquino, Martin del Rosario, at Enrique Gil.
Kuwento ito ng isang biyuda at dalawa niyang anak na lilipat sa isang lumang bahay sa liblib na lugar.
Pero imbis na magkaroon ng bagong simula, haharapin nila dito ang isang espiritu na nais maghiganti.
Paano nila ililigtas ang kanilang mga sarili?
Abangan ang Amorosa, September 13, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.