
Mapapanood ang makapigil-hiningang horror film na Basement sa digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.
Written and directed by Topel Lee, iikot ang kuwento nito sa isang grupo ng mga tao na maiiwan at aksidenteng makukulong sa isang basement parking.
Sa pagsapit ng dilim, may mga mangyayaring hindi maipaliwanag at isa-isang mamamatay ang kanilang mga kasamahan.
Ano ba ang kinakaharap nila? Alamin 'yan sa Basement, November 28, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Isang cross-cultural love story naman ang dapat abangan sa To Russia with Love na pinagbidahan ni Gerald Anderson.
Gaganap dito si Gerald bilang Dennis, isang Pinoy na mai-in love kay Oksana (Elena Kozlova), isang turistang Russian.
Bilang sorpresa kay Oksana, bibisita si Dennis sa Moscow kung saan makikilala niya ang strikto at very traditional na tatay nito.
Papasa ba si Dennis sa mga magulang ni Oksana?
Abangan ang To Russia with Love, November 26, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.