GMA Logo I Heart Movies
What's on TV

Horror-comedy film na 'Pasukob' at marami pang iba, tampok sa I Heart Movies ngayong weekend

By Marah Ruiz
Published June 11, 2021 10:47 AM PHT
Updated March 1, 2022 9:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi (December 20, 2025) | GMA Integrated News
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

I Heart Movies


Isa lang ang horror-comedy film na 'Pasukob,' starring Aiai delas Alas and Rufa Mae Quinto, sa mga pelikulang mapapanood ngayong weekend sa 'I Heart Movies.'

Not once but thrice pang mapapanood ang 2007 horror-comedy film na Pasukob ngayong weekend sa digital channel na I Heart Movies.

Tampok sa pelikulang ang tambalan ng mga komedyanang sina Aiai delas Alas at Rufa Mae Quinto.

Parody ito ng iba't ibang contemporary Pinoy horror-suspense films tulad ng Sukob, Feng Shui, at 'Wag Kang Lilingon.

Huwag palalampasin ang Pasukob mamayang 8 p.m. sa Pinoy Movie Date. Kung ma-miss mo man ito, puwede mo pa siyang mapanood bukas, June 12, sa magkaibang oras, mayroong 10:00 a.m. at mayroon ding 4:00 p.m.

Kung seryosong horror film naman ang hanap, panoorin ang San Lazaro sa June 12, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date. Muli rin itong ipapalabas kinabukasan, June 13, 10:00 a.m. at 4:00 p.m.

Kuwento ito ng magkakaibigan na tutungo sa isang liblib na bayan para humingi ng tulong sa isang faith healer. Tampok sa indie horror film na ito sina Ely Buendia, Ramon Bautista, Nicco Manalo, Bianca King, Julia Clarete at Kean Cipriano.

Para naman sa mahilig sa comedy, nariyan ang LGBTQ+ film na I Luv U Pare Ko nina Rocco Nacino at Rodjun Cruz.

Sa pelikula, si Rocco ay si Sam, isang closeted gay man. May lihim siyang pagtingin sa kanyang best friend na si Carlo, role naman ni Rodjun, na isang homophobe.

Panoorin ito sa Pinoy Movie Date, June 13, 8:00 p.m.

Tunghayan ang lahat ng iyan sa digital channel na I Heart Movies. Available ito sa channel 5 ng GMA Affordabox, GMA Now, at iba pang digital television receivers.

Ang GMA Now ay mabibili sa halagang P649 sa official GMA Store sa Shopee, Lazada and sa leading gadget stores nationwide.

Mabibili naman ang GMA Affordabox sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa official GMA Store sa Shopee at Lazada sa halagang P888.