
Nagsama-sama ang mga dekalibreng Kapuso leading ladies para sa 2011 comedy film na Temptation Island.
Remake ito ng iconic 1980 film na may parehong pamagat. Tampok dito sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Lovi Poe, Solenn Heussaff, at Queen of Creative Collaborations Heart Evangelista bilang mga beauty pageant contestant na masa-stranded sa isang isla.
Kasama rin nila sa pelikula sina Rufa Mae Quinto, John Lapus, Tom Rodriguez, Mikael Daez, Aljur Abrenica, at Dennis Trillo.
Tunghayan ang Temptation Island sa July 21, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Para naman sa mahilig sa romance films, nariyan ang I Found My Heart in Santa Fe starring Roxanne Barcelo at Will Devaughn.
Isa itong unexpected love story sa pagitan ng isang turistang gustong maging in touch sa kanyang Pinoy roots at isang heartbroken na workaholic.
Bida rin sa pelikula ang magandang isla ng Santa Fe, Cebu kaya tunghayan ang I Found My Heart in Santa Fe, July 22, 8:00 p.m. a Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available rin ito sa iba pang digital television receivers.