GMA Logo My Lady Boss
What's on TV

'My Lady Boss' nina Marian Rivera at Richard Gutierrez, tampok sa I Heart Movies ngayong linggo

By Marah Ruiz
Published January 2, 2023 10:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Clippers post biggest winning margin of season vs. Kings
Dingdong Dantes looks back on 11 years of marriage to Marian Rivera
#PlayItBack: The GMA Playlist Year-ender Special

Article Inside Page


Showbiz News

My Lady Boss


Kabilang ang 'My Lady Boss' nina Marian Rivera at Richard Gutierrez sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Hindi mapapantayan ang husay ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa pagpapatawa at pagpapaiyak. Kitang-kita 'yan sa kanyang 2013 film na My Lady Boss.

Gaganap siya rito bilang Evelyn, ang workaholic at istriktong brand manager ng isang kumpanya. Papasok sa buhay niya si Zach, role ni Richard Gutierrez, na isang rich boy na napilitang maghanap ng trabaho matapos pumalpak sa kumpanyang siya mismo ang nagtayo.

Abangan ang kanilang kilig na istorya sa My Lady Boss sa January 3, 8:00 pm sa Pinoy Movie Date.

Huwag din palampasin ang award-winning film na Kubrador.

Ang 2006 drama film na ito ay tungkol sa isang kubrador ng jueteng na patuloy na umiikot para mangolekta ng mga taya sa kabila ng kanyang pagtanda at mas pinaigting na crackdown laban sa ilegal na pagsusugal.

Tampok dito ang award-winning veteran actress na si Gina Pareño bilang Amy na patuloy pa ring nagtatrabaho bilang kubrador para lang mabuhay.

Dahil sa kanyang pagganap, umani si Pareño ng parangal bilang Best Actress sa Osian's Cinefan Festival of Asian and Arab Cinema at maging sa 2007 Gawad Urian.

Humakot din ng mga pagkilala ang pelikula tulad ng Lino Brocka Award o Grand Prize sa Cinemanila International Film Festival; International Critics Award sa 28th Moscow International Film Festival 2006; Best Film at International Critics Award sa Osian's Cinefan Festival of Asian and Arab Cinema; Best Film, Best Director, Best Cinematography, at Best Production Design sa 2007 Gawad Urian at hinirang pang Best Filipino Film of the Decade noong 2010 Gawad Urian.

Tunghayan ang Kubrador sa January 4, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.