GMA Logo Huwag Kang Lalabas
What's on TV

Horror anthology na 'Huwag Kang Lalabas,' tampok sa I Heart Movies ngayong linggo

Published January 7, 2023 10:20 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi (December 20, 2025) | GMA Integrated News
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Huwag Kang Lalabas


Kabilang ang horror anthology na 'Huwag Kang Lalabas' sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Isang horror anthology ang hatid ng digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.

Tatlong nakakikilabot na kuwento ang mapapanood sa Huwag Kang Lalabas, ang horror anthology na mula kay award-winning director Adolf Alix Jr.

Inspired ng mga lockdown ngayong COVID-19 pandemic, iikot ang tatlong iba't ibang kuwento sa mga lugar kung saan hindi maaring basta-basta lumabas ang mga tao.

Kabilang sa star-studded cast nito sina Aiko Melendez, Beauty Gonzalez, at Kim Chiu.

Abangan ang Huwag Kang Lalabas, January 13, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Huwag din palampasin si Rhian Ramos bilang ang bidang kontrabida sa My Kontrabida Girl.

Gaganap siya rito bilang Isabel, isang sikat aktres na nakilala sa pagiging kontrabida sa mga soap opera.

Pagkatapos ng isang near death experience, hindi na makakayanan ni Isabel na magmaldita sa harap ng camera!

Para muling mahanap ang motivation bilang isang kontrabida, hahanapin niya ang taong pinaka-nanakit sa kanya: ang ex-boyfriend niyang si Chris, played by Aljur Abrenica.


Tunghayan ang My Kontrabida Girl, January 14, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.