GMA Logo Bamboo Flowers in I Heart Movies
What's on TV

Drama film na 'Bamboo Flowers,' tampok sa I Heart Movies sa darating na linggo

By Marah Ruiz
Published February 18, 2023 10:29 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Donnalyn Bartolome, magpapaalam na sa vlogging: 'That is my gift to myself'
DTI: Damaged roads in Davao Occ. taking heavy toll on MSMEs
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Bamboo Flowers in I Heart Movies


Kabilang ang drama film na 'Bamboo Flowers' sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Isang ensemble drama film ang hindi dapat palampasin ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.

Mula sa direksiyon ni Maryo J. delos Reyes at panulat ni Aloy Adlawan, kumuha ng inspirasyon mula sa bulaklak na namumukadkad lamang bago tuluyang mamatay ang isang kawayan ang pelikulang Bamboo Flowers.

Kuwento ito ng buhay ng iba't ibang tao sa Bohol na humaharap sa maraming pagbabago na nakakaapekto sa kanilang buhay.

Tampok sa pelikulang ito sina Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid, Mylene Dizon, Max Collins, Irma Adlawan, Miggs Cuaderno, Barbara Miguel at marami pang iba.

Abangan ang Bamboo Flowers sa February 24, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Good vibes naman ang dala ng Instant Mommy, isang romantic comedy na pinagbidahan ni Eugene Domingo.

Tampok dito si Eugene bilang Bechayda, isang TV commercial wardrobe assistant na nagkukunwaring buntis sa takot na hiwalayan siya ng kanyang Japanese fiance.

Anong mangyayari kung magkabukuhan na? Alamin 'yan sa Instant Mommy, February 23, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.