
Ang komedyanteng si Super Tekla na ang bahala sa good vibes natin ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.
Mapapanood ang kanyang first starring film na Kiko en Lala sa March 7, 9:35 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Tampok si Tekla sa dual roles bilang kambal tuko o conjoined twins na si Kiko at Lala. Nagtratrabaho silang dalawa sa isang karnabal.
Ang tanging hiling lang nila sa buhay ay magkahiwalay sila para makasama ang kani-kanilang mga mahal sa buhay.
Nais ni Kiko na makasama na ang nobyang si Aning (Kim Domingo), habang gusto namang lalong makilala ni Lala ang guwapong si Rap-rap (Derrick Monasterio).
Bibigyan sila ng pambihirang pagkakataon ni Deadline (Aiai delas Alas), isang fairy godmother. Sa tulong ni Deadline, maaari silang maghiwalay pero isa lang sa kanila ang maaaring mabuhay.
Ano ang pipiliin ng kambal?
Tampok din sa pelikula sina Kiray Celis, Divine Tetay, at Jo Berry.
Panoorin ang launching film ni Super Tekla na Kiko en Lala, March 7, 9:35 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Huwag rin palampasin ang Balut Country, isang independent film na magpapakita ng isang espesyal na bahagi ng kulturang Pilipino.
Pagbibidahan ito ni Kapuso actor Rocco Nacino at gaganap siya rito bilang Jun, isang lalaking magmamana ng patuhan ng kanyang ama.
Gustong ibenta ni Jun ang farm dahil malapit na itong malugi pero nagdadalawang isip din siya dahil ayaw niyang mawalan ng hanap-buhay ang mga trabahador ng kanyang ama na matagal nang nagsisilbi rito.
Ano ang magiging desisyon ni Jun?
Abangan 'yan sa Balut Country, March 10, 9:35 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.