
"I love this couple!"
Ito ang naging sambit ng singer at aktres na si Jennie Gabriel kina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi habang nakikipaglaro sa isang aso.
Magkakasama kasi sa Sorsogon sina Jennie, Kyline, at Mavy para sa kanilang teleseryeng I Left My Heart in Sorsogon.
Pero paglilinaw ni Jennie, hindi pa couple sina Kyline at Mavy kung hindi love team pa lang.
Dagdag niya sa caption, "Ay este, love team pala hehe! Sorry naman @itskylinealcantara, 'di ba nga @mavylegaspi? Charet!"
Sa I Left My Heart in Sorsogon, gagampanan ni Kyline si Tiff Wenceslao, ang anak ng karakter ni Richard Yap na si Tonito; samantalang si Mavy naman ay si Basti, ang nakababatang kapatid ng karakter ni Heart Evangelista na si Celeste.
Malapit nang mapanood ang I Left My Heart in Sorsogon sa GMA Telebabad.
Samantala, tingnan muna ang magagandang lugar sa Sorsogon DITO: