
Karamihan ng mga manonood ng well-loved primetime series ng GMA na I Left My Heart in Sorsogon ay gusto na makatuluyan ni Celeste (Heart Evangelista) ang kanyang great love na si Tonito (Richard Yap).
Sa poll ng GMANetwork.com, 142 ng bumuto ay mas gusto na piliin ni Celeste si Tonito, kumpara sa 72 na bumoto para kay Mikoy.
Si Tonito kaya ang pipiliin ni Celeste? O babalik siya sa kanyang first love na si Mikoy?
Narito ang pasilip sa finale episode ng I Left My Heart in Sorsogon mamaya sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.