
Masayang-masaya si Bettinna Carlos na may bagong tuturuan ang kanyang mentor na si Chef Boy Logro sa Idol sa Kusina.
Ayon kay Bettinna, excited siya na si Chynna Ortaleza ang tatayong bagong "culinary student" ni Chef Boy. Sa loob ng tatlong taon ay ilang kitchen tricks ang natutunan ni Bettinna kaya naman masaya siya na ang new mom na si Chynna naman ang magkakaroon ng chance na matuto mula sa isang expert.
"Mars! Congratulations on your new assignment. It's about time someone new learns how to cook through the show just like me three years ago."
Dagdag pa ni Bettinna ay huwag siyang kabahan dahil aalalayan siya ng staff at ni Chef Boy sa Idol sa Kusina.
"I'm excited for you kasi one-on-one cooking lessons ka with Chef! Huwag kang kabahan, you will learn as you go along. Aalagaan at gagabayan ka ni Chef at ng staff lalo na si Ms. Dang!"