
Ang Idol sa Kusina ay muling nakatanggap ng Anak TV Seal at masaya ang hosts ng programa na sina Chef Boy Logro at Chynna Ortaleza na sila ay nakapagbibigay inspirasyon sa kanilang mga manonood.
AlDub, DongYan at iba pang Kapuso stars at shows, pinarangalan ng 2017 Anak TV Awards
Nagpasalamat si Chef Boy sa panginoon dahil sa nakuha nilang pagkilala sa kanilang programa. Aniya, "Salamat, Panginoon, sa Award na natangap po namin sa ANAK TV Mabuhay ang Idol sa Kusina. #idolsakusina"
IN PHOTOS: Kapuso shows and TV personalities honored at the Anak TV Awards 2017
Si Chynna ay nangako naman na pagsisikapang pagbutihin pa lalo ang pagbibigay ng kaalaman sa mga manonood.
"Thank you so much, Anak TV! Sisikapin namin na patuloy na magbigay kaalaman at saya sa mga bata at kanilang mga pamilya. Congratulations! @idolsakusina & @chefboylogro7"
Congratulations!