
May inihandang espesyal na episode ang Idol sa Kusina bago natin salubungin ang 2020.
Ngayong December 29, muling ipapakita nina Chef Boy Logro at Chynna Ortaleza ang mga recipes na naging hit ngayong 2019. Makakasama pa nila ang iba't ibang mga Kapuso stars sa kanilang paghahanda ng 2019 favorites.
Abangan ang lahat ng ito ngayong Linggo, 7:15 p.m. sa GMA News TV.