GMA Logo Shayne Sava at Kim De Leon hindi pa rin makapaniwala na nakapasok sila sa showbiz
What's on TV

Shayne Sava at Kim De Leon, hindi pa rin makapaniwala na nakapasok sila sa showbiz

By Maine Aquino
Published February 4, 2020 4:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Still no buyer of Discaya’s Rolls-Royce with free umbrella at Customs 2nd auction
A for A On Playlist
Nearly P20M alleged smuggled cigarettes, shabu seized in Sultan Kudarat

Article Inside Page


Showbiz News

Shayne Sava at Kim De Leon hindi pa rin makapaniwala na nakapasok sila sa showbiz


Kahit na ganap nang artista sina Shayne Sava at Kim De Leon, hindi pa rin daw sila makapaniwala na natupad na ang kanilang pangarap.

Ibinahagi ng StarStruck Season 7 Ultimate Male and Female Survivors ang kanilang kuwento sa kanilang pagbisita sa Idol sa Kusina.

Kuwento ni Shayne kay Chef Boy Logro, "Parang hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala. Parang fresh pa rin po ang pangyayari. Parang kahapon lang po nangyari."

Dagdag ni Shayne, dati ay iniisip niya umanong masyadong mataas ang kanyang pangarap.

"Pinapangarap ko pong maging artista noon, pero nasa isip ko po masyadong mataas po para maabot ko. Will lang po talaga ni God."

Si Kim naman ay nagpapasalamat din sa diyos dahil nakamit niya ang kanyang pangarap pagkatapos niyang magpursigi sa StarStruck.

"Ako po sobrang thankful po ako kay Lord siyempre sa mga blessings po na ibinigay sa akin."

Ibinahagi rin ni Kim na dati ay pinapanood niya lamang si Chef Boy. Masaya umano siyang kasama niya na ito sa GMA Network.

"Hindi ko rin po in-expect na makakarating po ako dito. Nandito na po ako sa harapan ninyo, pinapanood ko lang po kayo dati."

Sina Shayne at Kim ay nanalo sa StarStruck Season 7 noong September 2019 at napapanood na sila ngayon sa All-Out Sundays kasama ang iba pang Kapuso stars.

IN PHOTOS: Kim De Leon and Shayne Sava are StarStruck's Ultimate Male and Female Survivors

LOOK: Scenes from the first 'All-Out Sundays' episode