
Sa April 26, bubusugin tayo ng masasarap na recipes ng Idol sa Kusina.
Makakasama nina Chef Boy Logro at Chynna Ortaleza ang mga Kapuso stars para sa masarap na salo-salo. Bibisita sa kanila sina Rocco Nacino, LJ Reyes, at Golden Cañedo.
Matututunan nila ang paggawa ng seafood recipes pati na rin ang pretzel with cream cheese na patok for dessert.
Abangan ito ngayong Linggo, 6:55 p.m. sa GMA News TV.