What's on TV

EXCLUSIVE: Chef Boy Logro, excited na sa fresh episodes ng 'Idol sa Kusina'

By Maine Aquino
Published August 11, 2020 2:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Idol sa Kusina


Mapapanood ang bagong recipes ng 'Idol sa Kusina' simula ngayong Linggo, August 16, sa GMA Network!

Bibisita sina Chef Boy Logro at Chynna Ortaleza sa GMA Network para sa fresh episodes ng Idol sa Kusina.

Simula ngayong August 16, mapapanood ang mga bagong recipes ng Idol sa Kusina sa GMA.

Excited na ibinahagi ni Chef Boy ang mga dapat abangan sa fresh episodes na ito.



"'Yung aming guest ay si Vaness del Moral. Ang ating mga recipes na gagawin ko po sa fresh episodes ng Idol sa Kusina ay fruit marinated dishes."

Nagpapasalamat si Chef Boy sa mga patuloy na nag-aabang ng bagong recipes ng kanilang programa.

Saad ng celebrity chef, "Sa mga Kapuso na tumatangkilik ng Idol sa Kusina sa pagbabalik namin dito sa GMA, ako po ay nagpapasalamat."

Dagdag pa niya ang pangakong patuloy siyang maghahanda ng masasarap na recipes para sa mga manonood. "Excited din po ako kasi I will do my best. Gagawa pa ako ng kakaibang mga twist na gusto ninyong matutunan at gusto ninyong malaman kung paano ninyo yun gagawin. Kaya excited po ako."

Abangan ang Idol sa Kusina sa GMA Network tuwing Linggo para sa limited airing simula ngayong August 16 at 10:05 a.m. Samantala, mapapanood pa rin ang replay episodes ng Idol sa Kusina tuwing Linggo 7:50 p.m. sa GMA News TV.

Chynna Ortaleza shares message for 'Idol sa Kusina' on their 9th anniversary

Chef Boy Logro, may healthy recipes para maging malusog ang pangangatawan