What's on TV

Chef Boy Logro, nagluto mula sa Davao de Oro para sa 'Idol sa Kusina Lutong Bahay'

By Maine Aquino
Published November 17, 2020 1:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gaza no longer in famine after aid access improves, hunger monitor says
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

boy logro idol sa kusina lutong bahay


Ipinakita ni Chef Boy Logro ang kanyang farm sa Davao de Oro at ang pagkuha ng ingredients para sa recipe na itinuro niya sa 'Idol sa Kusina Lutong Bahay.'

Nagbalik na ang nag-iisang Idol sa Kusina na si Chef Boy Logro!

Nitong November 15 sa Idol sa Kusina Lutong Bahay, ipinakita ni Chef Boy ang ilang bahagi ng kanyang agritourism farm sa Davao de Oro.

Kuwento ni Chef Boy, "Sa farm po umikot ka lang sa paligid, meron ka nang maaani, meron ka nang lulutuin."

Photo source: Idol sa Kusina Lutong Bahay

Sa kanyang pagbabalik sa Idol sa Kusina, naghanda si Chef Boy ng ginataang native chicken gamit ang kanyang farm fresh ingredients.

Naghanda rin siya ng masarap na papaya ukoy

Si Chynna Ortaleza naman ay naghanda ng pork humba straight from her own kitchen.

Ang celebrity chef na si Jacquie Laudico ang tumanggap naman ng chef challenge for the week at naghanda ng Pastel de Pollo.

Abangan ang iba pang yummy and easy to cook recipes sa susunod na episode ng Idol sa Kusina Lutong Bahay.

WATCH: Easy restaurant-style dishes by different kitchen idols

Adobo recipes, itinuro ng kitchen idols na sina Chynna Ortaleza, Jak Roberto, at Sanya Lopez