What's on TV

WATCH: 'Ika-5 Utos' stars, nilinaw na hindi lang tungkol sa patayan ang serye

By Bea Rodriguez
Published September 11, 2018 2:28 PM PHT
Updated September 11, 2018 2:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP probes security firm in QC car dealership shooting
Complete list of winners at the MMFF Gabi ng Parangal
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News



Saan nga ba iikot ang istorya ng 'Ika-5 Utos?' Alamin!

Tampok sa pinakabagong Afternoon Prime offering ng GMA ang Ika-5 Utos na isa sa Sampung Utos ng Diyos, ang “Huwag kang papatay.”

Ayon sa mga beteranang aktres na starring sa serye na sina Jean Garcia, Valerie Concepcion at Gelli de Belen, iikot ang kuwento sa pagkakaibigan ng kanilang characters.

“Hindi siya 'yung patay-patayan, it's really more of keeping hope alive, keeping friendships alive, [and] relationships alive,” bahagi ng nagbabalik Kapuso na si Gelli.

Binigyan din ni Valerie ng kahulugan ang paliwanag ng kanyang instant BFF, “Hindi lang siya 'yung literally patay na dead na tao, it's more on ano 'yung nagti-trigger sa isang tao or sa mga situations na makakapatay ng friendship.”

Para kay Jean, makabuluhan naman ang mapupulot na aral sa kuwento, “'Yung story behind it, and pagkatapos patayin, ano 'yung lesson na meron.”

Unang araw pa lang ay pinag-usapan na ang Ika-5 Utos at nag-trending pa ito sa Twitter kahapon, September 10. Abangan ito araw-araw sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.