
Dahil hindi natuloy ang masamang balak ni Georgia kay Yaya Loleng sa ospital, may back-up plan na ngayon ang aktres na si Ryza Cenon na gumaganap bilang Georgia sa Ika-6 Na Utos.
WATCH: Ika-6 na Utos: Naudlot na pagpatay kay Manang Loleng
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Ryza ang kanyang Plan B para sa kanyang 'frenemy.'
"Hmmmmm..... kailangan maging handa na si Georgia. Baka kumanta na si Loleng!" pagtukoy ni Ryza sa toy gun na kanyang hawak.
Maaalalang naging viral ang photo mula sa isang episode ng Ika-6 Na Utos kung saan may hawak na Nerf gun si Georgia at nakatutok ito kay Emma.