What's on TV

WATCH: Angelika dela Cruz, binalikan ang photocopier scene sa 'Ika-6 na Utos'

By Bea Rodriguez
Published August 8, 2017 2:33 PM PHT
Updated August 8, 2017 2:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation constructs bridge in Rodriguez, Rizal
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News



“Na-photocopy talaga ako pero ang magandang balita [ay] hindi talaga kami nagkakasakitan. Sanay kami sa isa’t isa eh.” - Angelika dela Cruz

Patuloy na nangunguna ang Ika-6 na Utos bilang ang numero unong daytime drama sa bansa. Tuloy-tuloy din ang mga maiinit na eksena sa GMA Afternoon Prime soap lalong lalo na nang dala-dalawa ang kalaban ni Emma na sina Georgia at Geneva.

Trending palagi sa social media ang mga intense fight scenes ng stars ng show na sina Sunshine Dizon, Ryza Cenon at Angelika dela Cruz.

Tumatatak talaga sa mga manonood at netizens ang away nina Emma at Georgia. Pinaka-memorable kay Ryza ang Nerf gun scene. "Doon kasi lahat nag-start eh so ‘pag may nakikita akong mga memes na ako ‘yung nakalagay...”

Napataob din ni Emma si Geneva, “Na-photocopy talaga ako pero ang magandang balita [ay] hindi talaga kami nagkakasakitan. Sanay kami sa isa’t isa eh.”

 

Emma and Geneva Round 1 ???????????????? Please watch Ika 6 na utos later???? #ika6nautos #bakbakanna

A post shared by Angelika Dela Cruz Casareo (@angelikadelacruz) on


Dahil sa mataas na ratings, nagdaos ng thanksgiving mass ang cast at crew ng show. Ayon kay Shine, “Truly, big, big blessing for everyone here dito sa amin sa Ika-6 na Utos. Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa amin.”

No words naman ang aktor na si Gabby Concepcion kundi, “Maraming salamat dahil hindi namin akalain na aabot kami sa ganito.”