
Sa pinakahuling episode ng In Real Life, nakasama ng host na si Gabbi Garcia si Kapuso actress Shaira Diaz para sa isang Noche Buena cooking session.
Ngayong malapit na ang Pasko, ibinahagi ni Shaira kung ano ang secret recipe ng special beef kaldereta ng kanilang pamilya.
Ipinakita ni Shaira ang ingredients na binubuo ng bawang, sibuyas, kamatis, patataos, liver spread, peanut butter, bell pepper, cheese, pickles, dinurog na paminta, toyo, at patis.
"Igisa na muna natin ang bawang hanggang sa maging golden brown siya then sibuyas, followed by the tomatoes," bahagi ni Shaira.
"Habang pinapakulo natin siya, puwede na natin idagdag 'yung isa sa secret ingredients, 'yung pickles. Sobrang kurot lang siya.
"Kung gusto niyo ng maasim asim na medyo matamis na kaldereta, ito 'yung nilalagay namin. Pakonti konti lang hanggang sa makuha natin 'yung perfect flavor,"
Tanong ni IRL host Gabbi, "Kahit ordinary days ganito ang recipe niyo?"
Saad ni Shaira, "Yes, hinahanap-hanap talaga namin siya kahit walang okasyon. Nire-request talaga siya kasi masarap talaga.
"'Yung mommy ko, ang pinaka-favorite ko sa kaniya, is 'yung sinigang niya.
"Parang kinalakihan ko kasi siya so kahit anong Sinigang, hindi ko magustuhan, 'yung sa kaniya lang talaga."
Biro naman ni Gabbi, "Binabati ko 'yung nanay ko, nasa kusina po ako. Khalil, ito na...joke lang!"
Dagdag ni Shaira, "Itong bell pepper talaga ang nagpapabango ng kaldereta, sa huli namin nilalagay 'yan para mas mabango. Para may sarili siyang moment.
"Ang ganda ng texture niya kasi sakto lang, hindi siya malabnaw."
"So, pinaglulutuan mo talaga 'yung family mo?" Tanong ni Gabbi.
"Yes, actually, nag-re-request sila. [Nagluluto ako] kapag nasa mood akong mag-luto, o kapag may mga [occassions like] birthdays," kuwento ni Shaira.
Ibinahagi rin ni Shaira na sa kaniyang ina at lola niya natutunan ang kaniyang Beef Kaldereta recipe.
"Bakit kaya ang sasarap magluto ng mga lola, ano?" tanong ni Gabbi, "Parang, requirement 'yun sa kanila noon."
Ani ni Shaira, "Kaya sila nandiyan para sa atin para mai-ipamana nila 'yung mga natutunan nila na recipe."
Dagdag nito, "'Yung Kaldereta kasi masarap siya kung maanghang so nilalagyan namin siya ng dalawang piraso ng labuyo."
Masayang masaya naman si Gabbi at Shaira sa kanilang finished product.
Saad ni Gabbi, "Nakaka-proud. Grabe, guys, sobrang sarap.
"Sobrang tama lang ng texture at malalasahan mo 'yung peanut butter, 'yung liver spread, at 'yung pagka-combine niya ng lahat lahat sakto lang. Hindi siya nag-o-overpower. Tama lang lahat."
Dagdag niya, "Mga ka-IRL fam, huwag niyong kakalimutan na ang secret ingredient na pickles, at kung na-try niyo na ito sa inyong mga bahay, please i-tag niyo kami at i-share niyo sa'min 'yan."
Panoorin: