
Akala ng iba pang-sosyal lang ang mga grazing board platter dahil sa presyo nito. Papatunayan ni Kapuso host Gabbi Garcia sa In Real Life na pweden-pwede makagawa ng grazing platter na pasok sa friendly budget ng mga Kapuso.
pexels.com / Grazing Platter
Sa recent episode ng In Real Life, ipinakita ni Gabbi at ng special guest niyang Kapuso actress, singer, at cosplayer na si Myrtle Sarrosa kung paano gumawa ng simpleng grazing platter.
Sa budget na PhP 1000, nag-grocery si Gabbi at Myrtle ng ingredients para sa kanilang grazing platter. Ilan sa mga ginamit na ingredients nina Gabbi at Myrtle ay keso, cooked ham, kamatis, dilis, haw-haw, dried mangoes, bataw, pistachio nuts, banana chips, biscuits, toasted bread, sauteed peanuts, sausage, wafer sticks, at chocolate dip.
Kaninong grazing platter kaya ang mas patok sa panlasa?
Panoorin: