GMA Logo In Real Life
What's on TV

In Real Life: 13-anyos na binata, kumikita ng mahigit PhP 100,000 sa kanyang paghahalaman!

By Bianca Geli
Published July 25, 2021 6:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

In Real Life


Isang 13-anyos na lalaki ang nakahanap ng salapi sa pagiging plant lover!

Noong magsimula ang pandemya, marami sa mga ka-In Real Life natin ang nahilig sa pag-aalaga ng mga halaman.

Kahit si IRL host Gabbi Garcia, aminadong isang plantita.

Pero wala raw sa edad ang pag-aalaga ng halaman. Kung merong plantito at plantita, meron ding "plantotoy" gaya ng 13-year-old na si Ken Dela Cruz.

Hindi lamang mga halaman ang napalago niya, pati na rin ang ipon niya na umabot na ng PhP 100,000, dahil sa pagbebenta ng mga halaman.

Naisipan daw ni Ken na magbenta ng mga halaman noong mag-lockdown.

Natutunan niya raw ang pag-aalaga ng mga halaman mula lang sa kanyang Technology and Livelihood Education o TLE subject.

Ang pinakamahal na halaman na nabenta niya ay may halagang PhP 3,500.

Umaabot ng PhP 20,000 kada buwan ang kanyang kita hanggang sa nakaipon na siya ng mahigit PhP 100,000.

Patuloy na samahan si Kapuso Gabbi Garcia sa kainan, kwentuhan, at usaping trending tuwing sarap o'clock Thursday sa #IRL sa bago nitong timeslot -- 6:00 PM sa GTV!

Panoorin ang kanyang storya sa In Real Life: