GMA Logo Rufa Mae Quinto impersonator
What's on TV

Rufa Mae Quinto nakausap ang impersonator niyang si Thesalonika sa 'In Real Life'

By Bianca Geli
Published August 7, 2021 6:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Rufa Mae Quinto impersonator


'Todo na 'to, go, go, go!' Bigay todo ang TikToker na si Thesalonika nang makausap ang komedyanteng si Rufa Mae Quinto.

Sa unang dinig, aakalain mong si Rufa Mae Quinto ang napapanood niyo, pero ang rising TikTok star na si Thesalonika pala ito.

Pero hindi lang sa social media nagpapatawa si Thesa, pati ang mga estudyante, kinagigiliwan din siya.

Maliban sa pagiging abala sa TikTok, isang senior high school teacher din si Thesalonika.

"Kapag alam mong medyo patulog na ang isang student ko, doon ako mag-pa-punchline nang very light."

Nakapanayam ni In Real Life host Gabbi Garcia si Thesa at dito nagkwento ang TikToker ng kaniyang inspirasyon sa pagpapatawa.

Kwento ni Thesa, "In-upload ko siya noong gabi na-shock ako kinabukasan, ang dami na nag-like at view. Natutuwa ako kasi maraming naaaliw kahit sa panahon ng pandemya nakakapagpagaan ng loob."

Ang hindi alam ni Thesa, umabot na mismo kay Rufa Mae ang pag-i-impersonate niya kahit nasa Amerika ang komedyante.

Ayon kay Rufa, nakaabot na rin sa kanya ang mga videos ni Thesa. "Marami nag-se-send sa akin, at ka-boses ko talaga siya. At least napapaligaya ko sila kahit wala ako doon."

Naikuwento niya rin ang tunay na pinagmulan ng mga sikat niyang linyang "Todo na 'to," at "Go, go, go!"

"Sobrang tagal ko ring nagtrabaho every day, lahat ginawa ko... kumanta, sumayaw, magpa-sexy, nag-modelling, nag-drama na rin," dagdag ni Rufa.

"Kasi lagi tayong nagmamadali kaya 'Todo na 'to,' para matapos na, at makauwi na tayo, kaya ko naimbento 'yun.

"Actually doon nanggaling 'yun halimbawa sa set, 5 a.m. na nakanganga pa rin tapos parang tulog na lahat. Kaya nakaisip ako ng mga paraan para mauto ko sila, 'Uy, itodo niyo na,' natutuwa naman sila hanggang sa nauso na, pero 'yun lang ang talagang gusto kong sabihin."

Pasado kaya si Thesa sa OG na si Rufa Mae?

Patuloy na panoorin ang In Real Life tuwing Huwebes, 6:00 p.m. sa GTV.

Tignan ang mga litrato ni Rufa Mae Quinto sa US: