
Masayang ikinuwento ng newbie Kapuso actress na si Hannah Arguelles ang kanyang naging karanasan sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento sa bagong episode ng In The Limelight nitong Martes (November 2).
Ayon sa aktres, ang romantic-comedy series na ito ang unang niyang project bilang isang Kapuso artist.
Photo courtesy: GMA Artist Center (YouTube)
Kuwento niya, “Pepito Manalo: Ang Unang Kuwento is actually my first project as a GMA Artist and it was a very pleasant experience. Super bait ng prod and super friendly ng artists.
“I met Ate Mikee and Kuya Sef, and they're always joking on set kaya hindi mo nararamdaman na nae-exclude ka parang included ka lang do'n sa biruan nila.”
Dagdag pa ni Hannah, “Siyempre as a new artist, pressured ka to show up and act professional. Nahihiya ka e pero later on, you feel very connected with everyone and it makes me feel very thankful na lahat sila super bait.”
Nagpapasalamat din ang aktres kina Kapuso stars Mel ng XOXO at Dave Duque dahil sila ang mga unang nakilala niya sa set ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.
Aniya, “Nahihiya akong i-approach sila baka kasi I might come off too strong. So, I'm very thankful na sila 'yung unang nagsalita.”
Isa naman sa mga hindi malilimutan ni Hannah ay kung gaano kabait ang lahat ng staff at production team ng naturang programa.
“Lahat sila sobrang bait sayo and you can feel that they're all rooting for you. So, komportable ka magwork at maglaro sa playground mo kasi siyempre Pepito Manaloto is a comedy [show], it's light-hearted. Hindi ka matatakot na ipakita 'yung silly side mo, it feels very light-hearted,” ani Hannah.
Panoorin ang buong episode ni Hannah Arguelles sa In The Limelight video sa itaas.
Samantala, tingnan ang behind-the-scenes ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kwento sa gallery na ito: