
Sa pagkanta sa videoke kasama ang kanyang lolo, ganito raw nagsimula si Kyline Alcantara bilang isang mang-aawit.
Nagkuwento si Kyline ng kanyang humble beginnings sa online exclusive video na mapapanood sa GMA Network Facebook page.
#TRIVIA: 18 things to know about Kyline Alcantara
Aniya, “My first love po talaga is singing kasi 'yung lolo ko, lagi niya akong pinipilit na sumama sa kanya sa pagvi-videoke nung nasa Bicol pa kami. Isa siya sa mga nag-train or nag-push sa akin na kumanta.”
Sa murang edad ay nakitaan na raw ng potential si Kyline bilang isang performer. Kaya naman, hindi nakapagtatakang sa murang edad ay nakipagsapalaran na siya para sa pangarap niya.
“Nagsimula po ako nung seven years old po ako. Galing po ako sa Bicol and then pumunta po ako dito sa Manila para mag-audition sa isang contest, reality show. So 'yan, pinalad po ako na makasali doon pero minalas po ako kasi ako 'yung unang-unang natanggal sa girls,” patuloy niyang kuwento.
Ngayon, bibida na si Kyline sa inaabangang kantaserye sa GMA Afternoon Prime, ang Inagaw na Bituin kung saan maipapakita niya ang kanyang husay sa pagkanta at pag-arte.
Ang Inagaw na Bituin ay mapapanood na sa GMA simula February 2019.