
Matitinding tapatan nina Kyline Alcantara at Therese Malvar ang dapat abangan sa Inagaw na Bituin araw-araw.
Aabot ang kanilang mga eksena sa pisikalang pananakit at sinigurado ni Kyline na totoo ang mga ito.
"Actually binigyan ko po siya [Therese] ng consent na totohanin yung sampal sa akin, sabunutan and all," saad ni Kyline.
'Inagaw Na Bituin,' namayagpag sa ratings sa pilot week
Naiyak naman si Kyline nang mapili siya bilang ambassador ng SOS Children's Villages Philippines, isang NGO na nangangalingan sa mga bata.
"For me kasi may iba't iba naman po tayong istorya ng buhay e, kumbaga, sila po behind their beautiful smiles, alam ko po na meron silang hard na past," ani Kyline.
Panuorin ang buong report ni Nelson Canlas sa 24 Oras sa video na ito:
Patuloy na abangan ang Inagaw na Bituin sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Asawa Ko, Karibal Ko.